calculator ng bill
Simula Hulyo 1, 2023, inaprubahan na ng Komisyon ng SFPUC ang pagtaas ng mga rate ng tubig at sewer para sa katapusan ng mga fiscal na taon 2024 - 2026.
Bilang bahagi ng mga panukalang ito sa bagong rate sa tubig at sewer, babaguhin ang paraan ng pagkalkula sa sewer na bahagi ng inyong bill para mas maitugma ang aming mga rate sa gastos ng paghahatid ng serbisyo sa aming mga customer. Sa bagong istruktura, hahatiin ang sewer na bahagi ng inyong bill sa dalawang parte: singil para sa wastewater at singil para sa tubig-ulan. Magkahiwalay na kakalkulahin ang bawat isa. Ibabatay ang bahagi ng bill para sa wastewater sa tinatayang dami ng inilalabas na sewage, habang ibabatay naman ang singil sa tubig-ulan sa dami ng tubig-ulan na dumadaloy mula sa bawat ari-arian.
Bago ninyo gamitin ang calculator tool:
- Maghanda ng kamakailang bill sa tubig at sewer malapit sa sanggunian habang ginagamit ang calculator
- Sumangguni sa Mapa ng Impormasyon ng Ari-arian sa SF para mahanap ang kabuuang lawak ng inyong ari-arian.*
* Hindi magtatagal at puwede na ninyong mahanap ang sukat ng mga bahagi sa inyong ari-arian na nakakasipsip at hindi nakakasipsip ng tubig gamit ang aming online mapping tool. Sa San Francisco, ang karaniwang hindi residensyal na ari-arian ay 95% hindi nakakasipsip ng tubig. Kung isa kayong residensyal na customer, pakitandaan na ang karamihan sa mga residensyal na ari-arian ay pasok sa sukat na 1701-3300 square ft at hindi mangangailangang magbigay ng mga sukat ng mga bahagi na nakakasipsip at hindi nakakasipsip ng tubig.
Pumunta sa sfpuc.org/savings para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga programa, insentibo, at rebate na posibleng makatulong.
Calculator ng Bill sa Iminungkahing Rates*
*Kabilang sa iminungkahing calculator ng bill ang dagdag na singil sa tagtuyot na may bisa. Batay sa buong sistemang hydrologic na kondisyon at pag-iimbak ng tubig sa mga reservoir ng SFPUC, pormal na binawi ng San Francisco Public Utilities Commission ang Water Shortage Emergency Declaration sa ating April 11, 2023 Commission Meeting. Inalis ang dagdag na singil sa tagtuyot, simula Mayo 1, 2023. Ang na-update calculator ng singil hindi kasama ang dagdag na singil sa tagtuyot.