Programa sa Pagtulong sa Customer - Tubig/Wastewater
Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano
Nag-aalok ang Customer Assistance Program (CAP) ng SFPUC ng 25% diskuwento sa mga bill sa water and wastewater sa mga kuwalipikadong kostumer.
Kung kayo ay nabubuhay sa mababang kita at nagbabayad kayo ng bill ng water at wastewater ng SFPUC, maaaring kuwalipikado kayo na tumanggap nitong diskuwento. Mabilis at madali lamang ang pag-a-apply!
Aplikasyon para sa Water/Wastewater CAP
Mga Kahingian sa Pagiging Kuwalipikado:
- May iisa lang kayong service account para sa tubig at wastewater sa SFPUC.
- Nakapangalan sa inyo ang inyong bill sa tubig at wastewater.
- Full-time na residente kayo sa address kung saan matatanggap ang diskuwento.
- Hindi kayo nakalistang dependent sa tax return ng ibang tao.
- Hindi lampas ang pinagsamang gross na kita ng sambahayan sa CAP Income Guidelines na nasa ibaba.
Ang kabuuang pinagsamang kita ng iyong sambahayan ay dapat na mas mababa sa o katumbas ng halagang ipinapakita sa talahanayan sa ibaba:
Laki ng Sambahayan | Taunang Kita ng Sambahayan | Buwanang Kita ng Sambahayan |
---|---|---|
1 Tao | $27,180 | $2,265 |
2 Tao | $36,620 | $3,052 |
3 Tao | $46,060 | $3,838 |
4 Tao | $55,500 | $4,625 |
Para sa Bawat Dagdag na Tao, Magdagdag ng | $9,440 | $786 |
2022 Federal Poverty Guidelines (ina-update nang taunan sa Enero) |
Unahing paglingkuran ang aming mga komunidad. Kung hindi pa kayo nakakabayad ng mga bill ninyo, magagamit ng mga kostumer ang umaangkop na plano ng pagbabayad sa pagtawag sa Customer Services sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday).
Impormasyon ng Aplikasyon:
Mag-apply online, i-print at ipadala sa mail ang aplikasyon sa ibaba, o tumawag sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday) para humiling na padalhan kayo sa mail ng aplikasyong naka-print sa papel. Puwede rin kayong mag-apply nang personal sa 525 Golden Gate Avenue, San Francisco, 1st Floor, sa Customer Service Counter.
Hindi kayo kailangang magsumite ng dokumentasyon ng kita sa oras na mag-apply kayo. Ngunit regular na magsasagawa ang SFPUC ng pagsusuri at dapat na makapagsumite kayo ng pansuportang dokumentasyon kung/kapag sinuri ang account ninyo. Dapat pagtibayin ng mga aplikante sa ilalim ng parusa kapag nagsinungaling na natutugunan nila ang pagiging kuwalipikado at sumasang-ayon na aabisuhan agad ang PUC kapag nagbago ang status ng pagiging kuwalipikado nila.
Aabisuhan ng SFPUC ang mga kostumer kung naaprobahan sila o hindi sa programa kapag naproseso na ang aplikasyon, na maaaring tumagal nang ilang linggo pagkaraan ng pagsusumite.
Impormasyon sa Diskuwento
Simula sa Abril 1, 2022, makakatanggap ng diskuwento ang mga kuwalipikadong kostumer magmula sa unang buong ikot ng billing pagkatapos na maaprubahan ang kanilang aplikasyon. Mailalapat ang diskuwento para sa bawat bill sa loob nang 36 buwan kung saan hihilingin sa kostumer na kumpirmahing kuwalipikado pa rin sila na patuloy na makatanggap ng diskuwento, o hanggang sa umalis sa programa ang kostumer, dahil sa kusang pagsasabi ng pagbabago ng kita o nalamang hindi na sila kuwalipikado pagkaraan ng pagsusuri.
-
Mga Madalas Itanong
Kuwalipikado ba ako?
Kuwalipikado ang mga sambahayang nakakatugon sa mga kasunod na kahingian para sa tubig at wastewater Customer Assistance Program (CAP):- May iisa lang kayong service account para sa tubig at wastewater sa SFPUC.
- Nakapangalan sa inyo ang inyong bill sa tubig at wastewater.
- Full-time na residente kayo sa address kung saan matatanggap ang diskuwento.
- Hindi kayo nakalistang dependent sa tax return ng ibang tao.
- Hindi lampas ang pinagsamang gross na kita ng sambahayan sa CAP Income Guidelines na nasa ibaba.
Kuwalipikado sa diskuwento ang mga sambahayan na ang pinagsamang taunang kita bago ibawas ang buwis ay mababa o katumbas ng 200% porsiyento ng Federal Poverty Level. Tingnan ang talahanayan sa ibaba kung kuwalipikado ang inyong sambahayan.
Laki ng Sambahayan Taunang Kita ng Sambahayan Buwanang Kita ng Sambahayan 1 Tao $27,180 $2,265 2 Tao $36,620 $3,052 3 Tao $46,060 $3,838 4 Tao $55,500 $4,625 Para sa Bawat Dagdag na Tao, Magdagdag ng $9,440 $786 2022 Federal Poverty Guidelines (ina-update nang taunan sa Enero) Ano ang kasama sa kita ng sambahayan?
Ang kita ng sambahayan ay ang pinagsamang gross na kita ng LAHAT ng tao na nakatira sa sambahayan, kailangang buwisan man o hindi. Kasama rito ang mga miyembro ng pamilya o mga roommate na hindi kamag-anak. Kasama sa gross na kita, pero hindi limitado sa kabuuang kita mula sa: sahod na arawan o kada oras, suweldo, pension, benepisyo para sa walang trabaho, kabayaran sa pagkakaroon ng kapansanann, bayad-pinsala para sa manggagawa, kita sa sariling negosyo (IRS Form 1040 Schedule C), suporta sa anak o galing sa asawa, interes o dividend mula sa savings accounts, stocks, bonds retirement accounts, kita mula sa upa o royalty, cash income o regalo, mga scholarship, mga grant, o iba pang ayuda na nagamit sa mga gastusin sa buhay, seguro, o nakuha mula sa kasunduang legal (mula sa mga paghahabla), Social Security, SSI, SSP, mga food stamp, o TANF (Temporary Assistance for Needy Families) o AFDC (Aid to Families with Dependent Children).Sino ang mga kasama sa isang sambahayan?
Kasama sa isang sambahayan ang lahat ng tao na nakatira sa iisang tahanan (aparment, condo, bahay) na sineserbisyuhan ng iisang account na SFPUC Hetch Hetchy Power.Kailangan ko bang magsumite ng patunay ng kita?
Hindi, hindi kailangan ang patunay ng kita sa oras ng aplikasyon. Sa pag-enroll sa Customer Assistance Program (CAP) pinatutunayan na ninyong kuwalipikado ang inyong sambahayan. Nirereserba ng SFPUC ang karapatan na humiling ng patunay ng kita at iba pang kailangang dokumentasyon mula sa sinumang nagpapa-enroll. Isasagawa ng SFPUC ang isang taunang rebyu ng ilang nagpa-enroll, kung saan hihingian ang mga napili na magbigay ng patunay ng kita. Alinmang sambahayan na hindi makapagbigay ng dokumentasyon kapag hiningian ay aalisin sa programa at maaaring pagbayarin ng nakuhang mga diskuwento.Paano ako makakapagpalista?
Sagutan ang isang aplikasyong online o mag-print ng aplilkasyon sa papel sa www.sfpuc.org/CAPwater, o tawagan ang Customer Service sa (415) 551-4720, Lunes hanggang Biyernes, 8am to 5pm (maliban kapag holiday), at humiling na padalhan kayo ng aplikasyon sa papel. Puwede rin kayong mag-apply nang personal sa 525 Golden Gate Avenue, San Francisco, 1st Floor, Customer Services Counter.Gaano kalaki ang matitipid ko?
Makatitipid ang mga kuwalipikadong kostumer ng 25% bawas sa water at sewer bills.Gaano katagal bago magkabisa ang mga diskuwento ko?
Ipoproseso ang mga aplikasyon pagkatanggap sa mga ito. Kapag nag-apply kayo, makakatanggap kayo ng email o sulat na nagkukumpirma na natanggap namin ang aplikasyon ninyo at aabisuhan kayo tungkol sa status ng aplikasyon ninyo. Maghintay lamang nang hanggang 2-3 linggo pagkaraan ng pagsusumite para maproseso ang inyong aplikasyon. Simula sa Abril 1, 2022, makakatanggap ng diskuwento ang mga kuwalipikadong kostumer magmula sa unang buong ikot ng billing pagkatapos na maaprubahan ang kanilang aplikasyon.Ano ang mangyayari kapag nagbago ang kita ko?
Sa pag-enroll sa programang ito, tungkulin ninyong abisuhan ang SFPUC kapag naging hindi na kuwalipikado ang sambahayan ninyo para sa programa. Paki kontak ang isang Customer Services Representative sa 415-551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday).Isa akong nangungupahan. Kailangan ko ba ang pahintulot ng landlord ko para makasali sa programang diskuwento ng CAP?
Kung kayo ang may hawak ng SFPUC account, makaka-enroll kayo deretso sa programang ito at mailalapat ang diskuwento sa inyong account anuman ang status ninyo bilang nangungupahan. Kung kayo ang nangungupahan at ang inyong landlord ang may hawak ng account at kayo ang nagbabayad ng mga utility sa pamamagitan ng renta o iba pang pagpapasa (passthrough), sa kasamaang palad ay hindi mailalapat ang diskuwento para sa inyong sambahayan gamit ang bill ng inyong landlord.Kakailanganin ko bang muling mag-enroll sa CAP?
Oo, kapag na-enroll na kayo, kailangan ninyong i-renew ang inyong aplikasyon kada 3 taon. Padadalhan kayo ng paalala kasama ang isang aplikasyon para sa renewal. Kapag hindi kayo nag-renew, awtomatikong hihinto ang diskuwento tatlong taon (36 buwan) pagkasimula nito. Kailangan din kayong mag-enroll ulit kapag isinara ninyo ang inyong account, lumipat ng lugar, at magbukas ng bagong account pagkatapos.Posible ring gawin kayong kuwalipikado ng mga pagbabago sa aming CAP program para sa mas malalaking diskuwento sa hinaharap. Kung gayon, kailangan ninyong i-update ang inyong impormasyon para sa mas maraming diskuwento. Padadalhan namin kayo ng impormasyon kapag nagkaroon ng higit pang mga pagtulong!
Kailan matatapos ang pagbibigay ng diskuwento?
Patuloy na mailalapat ang diskuwento sa inyong buwanang bill hanggang mangyari ang isa sa mga kasunod:- Kapag sinabi ninyo sa PUC na hindi na kuwalipikakdo ang inyong sambahayan;
- Napili na marebyu ang inyong sambahayan sa pamamagitan ng taunang pagsusuri, at natukoy na hindi na kuwalipikado, o;
- Hindi kayo nakapag-enroll ulit kada 3 taon. Awtomatikong titigil ang diskuwento pagkatapos ng 36 na buwan kapag hindi kayo muling nag-enroll.
May iba pa bang programa sa pagtitipid o ayuda na iniaalok ang SFPUC?
Oo. Makukuha ang karagdagang impormasyon tungkol sa diskuwento sa tubig, koryente, at sewer sa www.sfwater.org/billrelief. Alamin ang tungkol sa mga libreng device para makatipid ng tubig, mga rebate at mapagkukunan ng tulong at impormasyon sa www.sfpuc.org/savewater.Ligtas ba ang impormasyon ko?
Oo. Mahalaga sa amin ang pagiging pribado ng inyong impormasyon. Pananatilihin ng SFPUC na kumpidensiyal ang inyong impormasyon at gagamitin lamang ito para matukoy ang pagiging kuwalipikado ninyo sa programa.Anong uri ng mga account ang hindi kuwalipikado sa mga diskuwento sa CAP?
Anumang account na hindi nakahiwalay ang metro na residensiyal na account ay hindi kuwalipikado para sa mga diskuwento sa CAP. Kasama sa mga halimbawa ng mga account na hindi kuwalipikado sa CAP ang mga account para sa irigasyon, komersiyo, at wholesale. -
I-print ang mga Application